30 July 2008

dark knight rocks!!!

I just watched Dark Knight. I'm not really an expert on giving movie reviews. All I can say is, Bravo Heath, Bravo!!!

I just love how Heath portrayed as the Joker. Not only is he so hot, but he can act! Ang galing galing nyang umarte.

Kudos to Heath!!!




29 July 2008

budget

With only two paychecks remaining, I am struggling on how to budget my money. I have lots of bills to pay and I really need to cut down on my expenses. I won't be working when I start my nursing program. Pukpukan na ang aking pagaaral para maistorbo pa ang time ko ng pagtatrabaho.

Hanggang sa pagtulog ko, naiisip ko ang dollar sign ($). Sobrang stressed na ko on how to handle my expenses. Hindi na nga ako pumupunta ng mall. Pero parang sa sobrang dami ng kelangang kong paggastosan, parang walang tulong ang di ko pagshopping.

Kelangan kong magipon ng pocket money para sa LA trip ko. Kelangan kong bayaran ung credit card bills ko. Kelangan kong bayaran ung cell phone bill ko. Kelangan kong bumili ng mga kakailanganin ko para sa paglipat ko.

Josko!!! Ang hirap magisip pag pera na ang pinaguusapan. Hanu bayan????

PS. Last night, my sister gave me money. She said that she sensed that I badly needed the money. Thank God for my sister who is a RN-PCCN by the way. Woohoo!!! Thanks so much ate!

23 July 2008

3 weeks of no shopping

This is kind of new to me. I haven't been to the mall for the past three weeks. Normally, once I get my paycheck, the next day, I would be at the mall shopping for new clothes or watching a movie with popcorn on my hand.

However, for the past couple of weeks, I realized that I should start saving for my future especially now that I am going to transfer to a more expensive university. Plus, I won't be working there while I study. Lastly, I will resign to my current job.

Despite the fact that I am saving for my college future, I am also aiming to buy a cellphone that I can use when I transfer.

I'm still debating on which one to get.

The Sony Ericsson G900i





Nokia e51




or Nokia 6300i.


It doesn't matter what brand of cellphone I should get, as long as it has wi-fi and a soft keypad for txting.
Ano ba talaga ang bibilhin ko???

15 July 2008

sabi ng kaibigan ko

Sabi ng aking mapagmahal na kaibigan, masyado daw akong mapagbigay sa mga kaibigan at mga past relationship ko. Masyado ko daw minahal ang aking mga ex boyfriend. Masyado ko daw inasikaso ang mga kaibigan ko. Minsan sa sobrang asikaso at pagmamahal ko daw, napapabayaan ko na ang sarili ko. Sabi ko sa kanya, may time pa naman ako sa sarili ko. Sabi nya, akala ko lang daw yun.

Nung nagbakasyon ang pinaka close kong kaibigan, parang unti unti kong narealize na napaka self-absorbed nya. Parating dapat sya muna ang inaasikaso at inaalala. Dapat pag may gimik kami, aayon dapat sa schedule nya. Kapag hindi kami nakapunta sa gimik, magagalit sya. Ngaun ko lang narealize na never nya akong inasikaso sa haba ng panahon na magkaibigan kami. Lahat ng problema nya, parati akong nandun at sasandalan nya. Nung nakapasok sya sa isang napakagandang eskwelahan, masaya ako para sa kanya. Nung ako ang nakapasok sa nursing program, parang wala akong narinig mula sa kanya na masaya sya para sa kin.

Kinausap ko ang aking kaibigan tungkol dun. Sabi lang nya sa akin, huwag ko daw ituon ung attention ko at ang happiness ko sa isang tao. Kelangan maging masaya ako sa sarili ko bago ko pansinin ang mga sasabihin ng ibang tao.

Tama naman sya. 100 % na tama sya. Pero parang ang hirap lang tanggapin na pagkatapos mong ibigay ang pagmamahal mo sa isang tao, babaliwalain lang nila.