Sabi ng aking mapagmahal na kaibigan, masyado daw akong mapagbigay sa mga kaibigan at mga past relationship ko. Masyado ko daw minahal ang aking mga ex boyfriend. Masyado ko daw inasikaso ang mga kaibigan ko. Minsan sa sobrang asikaso at pagmamahal ko daw, napapabayaan ko na ang sarili ko. Sabi ko sa kanya, may time pa naman ako sa sarili ko. Sabi nya, akala ko lang daw yun.
Nung nagbakasyon ang pinaka close kong kaibigan, parang unti unti kong narealize na napaka self-absorbed nya. Parating dapat sya muna ang inaasikaso at inaalala. Dapat pag may gimik kami, aayon dapat sa schedule nya. Kapag hindi kami nakapunta sa gimik, magagalit sya. Ngaun ko lang narealize na never nya akong inasikaso sa haba ng panahon na magkaibigan kami. Lahat ng problema nya, parati akong nandun at sasandalan nya. Nung nakapasok sya sa isang napakagandang eskwelahan, masaya ako para sa kanya. Nung ako ang nakapasok sa nursing program, parang wala akong narinig mula sa kanya na masaya sya para sa kin.
Kinausap ko ang aking kaibigan tungkol dun. Sabi lang nya sa akin, huwag ko daw ituon ung attention ko at ang happiness ko sa isang tao. Kelangan maging masaya ako sa sarili ko bago ko pansinin ang mga sasabihin ng ibang tao.
Tama naman sya. 100 % na tama sya. Pero parang ang hirap lang tanggapin na pagkatapos mong ibigay ang pagmamahal mo sa isang tao, babaliwalain lang nila.
15 July 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment